A List on Mortal Sins

Len of July 30, 2008 list of mortal sins (in no particular order):

1) Hindi makinig sa lecture ni Winnie Monsod! Aminin nakakatamad makinig kapag 8 am ng umaga ang klase at ang classroom niyo ay sa isang malaking air-coned na auditorium. Marami pa kayo dun kaya hindi ka mapapansin kung nakatulog ka man sa klase. But man... Don't sleep on Winnie Monsod!

2) Pag-post ng shout out sa friendster na "godly" ang tema, pero kung tingnan mo naman ang album ng taong nag-post ng shout out, parang walang bukas kung magpakita ng cleavage. Girl, please.

3) Paglagay sa "about me" portion ng kahit anong online social network ng mga linyang "I'm fat and ugly; i'm not interesting" Bakit ka pa gumawa ng account? Kamusta ka naman. <-- OMG I committed a sin, but mine's a blog post there's a big difference OK!?!


4) Being overly narcissistic. <-- how to measure being OVERLY narcissitic anyway?


5) Using "like" too many times in a sentence. You know like this: "Oh, you know what, luyk I met a hot guy in the club last night, and I was luyk 'oh my god, luyk he's so damn hot!' And my girlfriends were luyk, 'Go, girl, luyk, flirt with him already!!" And I was luyk, "luyk, shut up guys!" Like mo mukha mo.

6) Makipagtalo sa isang know-it-all. Bukas pa kayo matatapos mag-argue.

7) Mag-procrastinate. 

8) Wish someone badly. I am a firm believer of karma.

9) Ang kantang "Umbrella" ni Rihanna na ginawan ng Tagalog/Filipino version ni KC Concepcion.

10) Ang pag-groom kay KC Concepcion para bumenta sa masa. Tsk. 

11) Si KC Concepcion, bilang KC Concepcion ay isa na agad mortal sin. Her sin? Winning the gene lottery!!! I'm jealouz because she looks like a beautiful dude.

12) Makinig sa mga radyong nagpapatugtog ng mga "pampatok-jeep music." Kagaya ng Umbrella ni Mz Gunduh!, soulja boi, tagalog version ng Low Mansanas pantalon at sa sapatos ng balbon (na balbon) Buong beerhouse nakalingon. Ayy nadapa! (ay nadapa) Bigla bigla! Nagspaghetti pababa ng pababa ng pababa. Check out the Bisaya version of Low!)
, atbp. Snack sa Olongapo, snack sa Antipolo, snack sa dyan sa Tondo, Snack sa oooouuooh to the tune of Akon's Smack That.

13) Kabisaduhin ang Stupid Love ng Salbakuta...nang.mainlab.ako.sayo.akala.ko.pag-ibig.mo.ay.tunay.ngunit.di.rin.nagtagal.lumabas.din.ang.tunay.na.kulay...ang.iyong.kilay.mapa
mataas.at.lagi.namimintas...ngunit.ang.sarili.kong.pera.ay.iyong.winawaldas....yo, yo, wazup mamen. Guilty pleasure and I seem to really take pride in singing this in every videoke session I've been invited to (also sang, er rapped this, with a one-man acoustic band! I don't know how it happened but it did)

14) I-stalk ang crush mo sa internet. May mga bagay kang malalaman na sana hindi mo nalang inalam!! huhu

15) Ang hindi pag-inom ng kape, o pag-break o cool down, pagkatapos uminom ng halo-halong mga alak: beer, gin, brandy, lambanog...atbp. O kaya, ang pag-sakay ng jeep papuntang Antipolo pagkatapos na pagkatapos lumlaklak ng samu't-saring alkohol.

16) Ang pagtitiwala sa mga kundoktor ng jeep na nagsasabing malinis ang ibinigay nilang trapo

17) Ang pagsuka sa plastik na nasukahan na ng ibang tao. Maine learned this lesson the hard way. Haha.

18) Ang pag-inom ng SOFT DRINKS araw-araw. Very Bad.

19) Ang hindi pagnuod ng Dark Knight sa sinehan!!

20) Ang atupaging mag-blog kaysa mag-aral at gawin na ang dapat gawin. <--guilty!!!



Len of March 10, 2011 additional notes:


21) Ask the waitress in Jollibee this, "Ate, may toyo ka ba?" She will give you a scornful look.


22) Think out loud, most especially at work. Because really, you don't have to share your every thought to everyone at the office. It is annoying and it is distracting for crying out loud!


23) Be perky every single day and expect people to return the perkiness back. Sweetheart, not all people are like that.


24) Maging reaksyonada. No reaction is better than OA/exag reaction. I've learned to always keep a poker face, easier to breeze through life


25) KC Concepcion and Piolo Pascual's (faux) relationship!!! LIES! All LIES!


26) Justin Beiber's hair. Kahit saang anggulo ko tingnan, at kung kung sino ka pa, maling-mali talaga 'yan. 


27) Paggamit ng concealer bilang nude lipstick (true story, pero hindi ako yan, pramis)


28) Ang pagsabi ng "babangon ako after 5 mins/I'll get up after 5 mins" Alam ng lahat na kalokohan yan.


29) Ang pagsabi ng "on the way na kami" ang totoo naman ay maliligo ka palang. Mabuhay ang kulturang Pinoy!

Comments

Popular Posts