Dear Commuters, Isang Paalala:
Lahat po tayo ay nag-mamadaling pumasok sa ating sariling mga trabaho lalo na kung ito ay start of the week. Minsan medyo tatamad-tamad pa tayong kumilos because the weekend has been (too) great, or parang bitin pa tayo sa ating bakasyon. Pero sana naman huwag nating kalimutan ang number one rule sa pag-commute: good hygiene. Aside from the fact na huwag nating kalimutan ang pamasahe ay sana ginagawa natin ang mga sumusunod bago sumabak sa jeep, fx, bus or MRT:
1) Maligo: Hindi ko maintindihan kung bakit ibang tao ay amoy anghit umagang-umaga pa lang. Hindi excuse na construction worker ka at alam mong babaho ka rin as the day progresses, pero dude naman. Maligo tayo at mag-pahid ng deodorant sa ating kili-kile (mas maganda siguro kung buong katawan nalang). Sure may mga panahong hindi ako naliligo (nung college pa ako nito, okay, at exemption ako sa rule dahil hindi ako mabaho), pero naman kung male-late ako at alam kong kagigising ko lang at kailangan ko na umalis, nag-hihilamos at nagpapalit naman ako ng damit at syempre nagpapabango naman ako ng bongga.
2) Pumili ng damit na sana, kung hindi man lang nababad sa Downy, wag nating piliin yung damit na hindi natuyo ng maayos. In short, pumili ng mabangong damit. Ate / kuya, alam mo ang amoy na 'yan, lalo na nitong tag-ulan. Oo, naglalaba rin ako at aminadong mahirap magpatuyo ng damit kapag maulan, pero naman, mas umaalingawngaw ang amoy ng damit na hindi na patuyo ng maayos. Naku, i-pair up mo pa 'yan with a person who doesn't take a bath, good luck nalang kung katabi mo ang ganyang tao sa biyahe mo.
3) Bago tayo umalis ng bahay, huwag nating kalimutang kumain. Yes, essential ito, friends. Alam nating hindi pleasant ang amoy ng ating hininga sa umaga. Ang pag-to-toothbrush ay isa lamang short-term pantanggal baho-hininga. The best way to get rid of that morning stench is to eat breakfast. Bakit ba kamo?
Isipin mo nalang ang iyong bunganga ay isang sceptic tank. Ngayon, kung pabanguhan mo lang siya, madali lang din makakaalingasaw ang mabahong amoy ng sceptic tank. Ang magandang gawin ay barahin ito. Dito papasok ang pagkain-- ito ang babara sa mabahong amoy ng sceptic tank Pansinin ang mga taong hindi kumakain--mabaho ang kanilang hininga. Promise.
By the way, ito ang pinakaayaw kong katabi sa jeep o fx. Lalo na kung hindi nila hilig huminga sa kanilang ilong, aba may pagkapal din ng mukha na huminga through the mouth. Nakakamatay ang ganitong amoy, promise. Lalo na kung nakainom pa sila ng kape, hindi nag-almusal at hindi nag-toothbrush?? Deadly. Lalo na sa FX dahil aircon-ed ito at mabilis kumalat ang amoy.
Ito any mga basic hygiene na dapat alam na natin, ate / koya. Hindi ko maisip kung bakit may mga nakakatabi pa rin ako na simbaho ng imburnal, at katabi ko pa. Minsan na nga lang akong mag-commute, bumibinggo pa ako. Heh, ayun lang.

Comments
Post a Comment